Thursday, August 21, 2014

Oh diba. Since kind ako and pretty and cute, eto na ang story. Kahit walang nagbabasa, eport pa din ano. Wahahaha. Asang part na nga ba nung story? Nawala na din ako eh.



Syempre para may effects, laglag panga at laki ng mata.
Shutanggala. Pwede kiligin? Syempre Lucas. Oo na oo. Syempre pwedeng pwedeng sayo na lang ako.

"Wahahahahaha! Erikaaa! Your reaction was priceless. HAHAHAHA."
Ay. Pistii. Tama bang pagtawanan ako. Ako na may great mind, angelic face, gorg body, tagapagmana ng dapat manahin, TINATAWANAN? ABA ABA, NASAAN ANG HUSTISYA?
"Hoy Lukreng, wag mo nga akong pagtawanan. Para kang shunga."
"Hey hey. Don't be mad. I just want to brighten the atmosphere. At hindi ako si Lukreng," sabi nya sabay pitik sa noo ko.
"Brighten up? At sa tingin mo naman nag brighten?" Ako habang hinihimas ang noo ko. 
"Hahahaha. Let's go." Hinawakan nya yung kamay ko. Yiee. Kinikilig ako. Wag kang ganyan. Baka sabihin ng iba ang landi landi ko. Hindi ako malandi noh. Habang naglalakad kami may nakita akong billboard, nakalagay, "Follow me on twitter: @myrajoannaarce." Tengene. Peymwor din to eh. Kairita. 

Alex's POV (Nakakasawa na rin kaya ang palagi na lang POV ng sobrang gandang si Erika. Pisti. Hindi ako bitter ha.)

Hay. Salamat binigyan din ako ni otor ng POV. Ang hirap kaya na maging ekstra lang sa isturya. Wahaha. Mahirap kayang hindi maipaliwanag ang side mo at ,

>Shutang inerns. Diretso na agad. Tanggalan kita ng POV dyan eh. Di porke gwapo ka, magyayabang ka.<

Opo Otor. So ganto. Bago nyo ako batuhin ng kamatis, I'll explain myself. Hindi ako kasing perfect katulad ng iniisip ni Erika at ng lahat. Meron din naman akong mga tinatago. I'm not rich. Mahirap lang ang pamilya namin.Naghirap to be exact. Nakakapag aral lang ako sa Clandestine High na very exclusive school. Mga heir at heiress lang ng companies ang possible na makapag aral. Buti na lang, nabayaran na agad ang tuition ko from the start of the school year. Bumagsak ang negosyo namin, binenta na sa iba. Nag-asawa ang walang kwenta kong ama ng iba dala na rin ng kalandian nya. Ngayon, amy sakit si Mama. Meron syang stage 3 breast cancer. At ang hayop kong ama, ayon, nagpapakasaya sa kandunga ng iba. Alam kong sobrang kawawa ng buhay ko pero wala, yun ang sabi ni otor na maging buhay ko eh, aarte pa ba? 

Waiter ako sa club. Kailangan kong gawin yun para maipang tustos sa sarili ko at kay Mama. Kahit sabi ng doctor na wala ng pag-asa. Anak ng pitumput pitong puting tupa! Yung nanay mo nahihirapan, di ka pa gagawa ng paraan. Nagkataon na nakita ako ni Haley sa Hottie's Bar. She threatened me na ipagkakalat nya sa buong school na nagta-trabaho ako dun if hindi ko iwanan si Erika. Masakit, oo masakit. Mahal na mahal ko si Erika pero inisip ko pa lang na hindi di naman ako tatanggaping ng pamilya nya, wala din. Masakit din na makita ko sya kasama nung si Lucas. Hindi ko gusto yung pag akay nito sa kanya, yung pagpapangiti and all. Mahirap pero kakayanin ko. 

OTW ako ngayon sa HB ng may makita akong batang nagta-tumbling. 
"Kuya, kuya, may nagpapabigay po." Nakita ko yung papel na inabot nya sakin. Kinilabutan ako, kulay pula ang sulat at lumang luma na ang papel. Halos himatayin ako sa nabasa ko,"Palow mo ako sa twiter. Pag ako hindi mo pinalow, batok ka sakin: @myrajoannaarce." Bakit ang peymwor ng otor namin? Tsk. Tsk.

Nagpunta na ako sa dressing room ng bar. Sinuot ko na yung uniform namin. (Hindi ko na idi-describe. Ayokong mag search ng picture ng mga ganun. Juice colored.) Usually, matatanda at bading ang customer namin kaya hindi ko inexpect na makikita ko si Haley noon don. Waiter lang ako dito, hindi katulad ng iba na nag-aalam nyo na yun. Kung di nyo alam, sorry medyo bobs koya/atii? (Hindi ko alam tawag dun eh. TT TT) 

"Pare, may customer sa table 666. Ikaw hinahanap nung tanders. Masilay man laang sa kanyang irogg," sabi ng katrabaho kong si Lucifer. Sinusunog na ang katawan nyan sa impyerno eh. 
"Baliw." At pumunta na ako sa table 666. Medyo nahirapan pa ako dahil sa mga tao sa dance floor. Mga matandang nagsasayaw, feeling young ang wala! 

"Beybi Alexxxxxxx!" sigaw nung matandang nandito gabi-gabi.
"Ha-ha-ha. Honey! Musta na?"
"Okeyyy lang beybi. Isa ngang mango shake, yung nakakalasing," sabi nya sabay kindat.
"Yes beybi."Pwe. Kinuha ko na yung mango shake nyang nakakalasing. Nilagay ko na sa tray yung mango shake, pag ikot ko sabay, 
"Shooooot. The heck?!" sigaw nung babae. Cliche na kung cliche pero since sinabi ni otor, natapon yung mango shake ng matandang hukluban.
"Sorry Miss." Nag angat siya ng tingin at nanigas ako sa kinatatayuan ko. 
Unti-unti nanlaki yung chinita nyang mata at,
"A-Alex?" she said clueless-ly, worriedly at ang masakit, with disgust.

Erika's POV
Dinala ako ng walanghiyang si Lucas sa bar? Yang tataa? Bar? At hindi bar ng mga sosyal ha. Bar ng mga tanders. Yung tataa? At nandito kami ngayon sa isang couch. 
"Hoy, Lukreng, kukuha lang ako ng mango shake ha."
"Ako na lang Ikang."
"Wag na, hiyang hiya naman ako sayo." At pumunta na ako sa may counter. Gusto ko talaga ng mango shake, at
AYON NAMAN. NAKUHA KO ANG GUSTO KONG MANGO SHAKE. NATAPUNAN NA NG MANGO SHAKE YUNG YUNIPORM KO. YANG TATAA?
"Shoooooooot. The heck?!" sabi ko.
"Sorry Miss," sabi nung lalaki. Kilala ko yung boses na yun. I looked at his clothes, imposible. Siya, magsusuot ng ganun? At ano namang gagaiwn nya dito? He's filthy rich like me. I looked up to him,
"A-Alex?" 
-----------------------------------------------------------------------------------
Heyy guys! This is your most SABOG AND SABAW Blogger! At dahil pretty ako, may portrayer na yung istury ko. Wag kayong ano dyan. 
Erika Naomi Chu and Alexander Brylle Sanchez. 

Lucas De Guzman and Haley Kathryn Marquez







Ayaw nyo ng portrayers ko? UWEEEEEEEEEE! JanLex shipper ako, wag kayong ano dyan. Sapak to the moon and back ang abot nyo.











No comments:

Post a Comment