Tuesday, September 23, 2014

Questions

Nagbabalik ako mga friends and familiessss!

Question for today:

-Why is it hard to fall out of love when falling in love is easy?

Chaka ng tanong mo friend. Ang dali dali. ^^ Well, if falling out of love is as easy as falling in love, then where's the fun in it? That's something about love, (based from books and other references kasi wala pa naman akong experience) when you fall, you fall. Hindi yan parang itutulak ka sa bangin at pag walang sumalo sayo dun, sasabihin mo na joke lang, aakyat ka na ulit. If ganun lang kadali yun, edi wala ng heartbroken. Wala ng umiiyak dala ng totoong love at dala ng malanding panahon diba?

Dyan pumapasok ang over due na tanong na:

-Why do we have to love?

It's not a must. It's inevitable. 
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
I JUST MADE THE WORST MISTAKE IN MY ENTIRE LIFEEEE.
NAKALIMUTAN KO NA ANNIVERSARY NG PARENTS KO. ANAKNANG. TT TT. Ako pa naman yung laging expected sa bahay na may mga ka ek-ekan boom boom chuva. Lahat kasi ng occasion, tanda ko. Pati birthday ng kapitbahay, memorize ko. Ultimo birthday ni Rizal, ipaghahanda ko pa yan ng brownies. Bakit ba? Pambasang bayani kaya. ^^ Pero fudgggggeee. PANO KO NAKALIMUTAN???!!!

Well, kwento ko na lang love story ng parents ko. Kung titingnan mo sya at gagawing book. Eto yung cliche na love story. Si Ms. Bread Winner at si Mr. Walang Pakealam sa Life.
My mom is the second daughter sa magkakapatid. She had to stop studying for a year to give way sa tita ko which is older than her or the panganay. Then, since nagstop sya ng 1 year, naiwan na sya sa lessons. And matalino si Nanay, (fudge, ako lang bobo sa pameleeyyy), imbis na 1st year sya since dapat 2nd year na kaso nag stop, na accelerate sya sa 4th year, diretso graduate. Diba? Subrang ismartttttt.  Na perpek nya ata exam nun. Grabe. HUHUHUHU. I feel so bobs. Then, kahit nakatapos na sya ng highschool, hindi kami rits ano. So, nagpunta sya sa Manila, nag work sya sa matanda na nakilala nya which is my Dad's godmother and they had this love story. Ang eksena pa neto, ayaw ni Lola kay Nanay. kase nga, madaming babae si Padir, and eksena, may mga teacher, nurse and chinelyn chuva ang trabaho. Dao Ming Zi? San Cai? Kayo ba yan? XD Si Nanay, wala naman siyang profession pero iba ang padir. Knight in the shining armour ang peg ni Pudra. Ayon, nag marry marry sila. Kaya kapag nauungkat yung issue na ayaw ni Lola kay Nanay, sasabihin ko ang famous line na,"La, wala ka sanang magandang apo like me kung di si Nanay ang napangasawa diba?" HARHAR. Well, now, you can't blame me for believing sa mga ganung love stories sa books kasi kung sariling parents ko, ganun yung story, aarte pa diba? 

Kanina, na migay ako ng crinkles. May nagsabi sakin, masarap daw. WAAAAWWWW. '3' Di ko alam kung joke o ano, pero magdadala ulit ako ng crinkles bukas. ^O^

No comments:

Post a Comment